Pahabol

Happy Father’s day.

Happy Rizal day.

Pareho akong napaisip ng salitang ‘father’ sa dalawang ito.

Una, sa mga ama ng tahanan at pangalawa, sa mga ‘father’ ng simbahan na—ubo!—masyadong naging malapit sa buhay ng ating national hero.

Medyo nakakatawa lang ng kaunti dahil may pagka-sutil yung koneksyon ng dalawa kung talagang susuriin natin.

Pero mas interesado ako sa mga ‘fathers’ na nakahalubilo ni Pepe nung kapanahunan nya. Oo nga naman, pag sinabi mo kasing ‘Rizal’ di rin nalalayo ang mga salitang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”. O Ibarra. O Maria Clara.

At Padre Damaso.

Isang salita na nagdulot ng matinding kontrobersya last year mga bandang Oktubre nang may isang tourist guide sa Manila ang nang-istorbo sa isang misa bitbit ang karatula na may sulat na, yun nga, ‘DAMASO’.

Pero mabalik tayo kay Rizal. Naalala ko kasi nung elementary ako e wala akong kapaki-pakialam sa taong ito maliban na lamang sa kung bibigyan ako ng nanay ko ng P1 pambili nung Orange Swits sa tindahan ni ‘Nang Basco’ sa likod ng school. At kung magbasa man tungkol sa kanya e dahil sa nagbabadyang quiz na siguradong ikakapahiya mo kung mangamote ka (‘itlog’ na naman.) dahil bukod sa exchange papers pag correction, talagang ire-read aloud pa yun mga scores sa teacher pagkatapos para lang ma-record nya. Sadista.

Ngayong matanda na ako at may ‘kaunting’ pagsalungat din sa mga dinidikta nina ‘Pader’, lalo na sa usaping moralidad at kung anu-ano pang kabalbalan sa pagpapapatakbo ng buhay at gobyerno, ngayon ko mas naunawaan kung bakit naturingang bayani si Rizal.

Dahil kung panahon pa ng Kastila ngayon at nagsalita ako laban sa pinakapipitagan at kagalang-galang na simbahan, malamang wala na ako dito para isulat ito. Baka na-firing squad na ako sa Luneta o kaya naman e magsilbing pataba sa kangkungan.

Di naman kailangang gamitan ng matinding imahinasyon kung gaano kalakas at ka-brutal ang impluwensya ng simbahan noon.  At, sa totoo lang, hanggang ngayon pa rin naman—at least sa Pilipinas. Marahil dahil na rin sa mga politikong walang ‘Cojones’ (as per Carlos Celdran) at takot mawalan ng mga botanteng Katoliko. Katulad ng karakter na  ginagampanan ni Christopher Plummer sa pelikulang “PRIEST” na galak na galak tuwing nagsasabing “To go against the church is to go against God.” Noong panahon ng Kastila, “To go against the church is suicide.” Malamang suicidal si Rizal. O talagang matapang lang. Either way, naging bayani pa rin sya.

At kahit na may katagalan na ang nangyari sa pambansang bayani ng Pilipinas ay ramdam pa rin hanggang ngayon ang bigat ng nagawa nyang protesta lalo na sa panahon ngayon.

Sabi nga ni Conrado De Quiros sa column nya sa Inquirer (Relevant, 6/9/2011):

The reason for that is that his relevance to today is more than obvious, it is ponderous. It leaps out at us. His times do not just hold echoes for ours, they parallel ours, in quite uncanny ways. Enough to make you wonder how far we’ve really gone from when Rizal was born.

Then there were the friars who were the fountainhead of wretched beliefs, which they spread in the name of religion. They were the ones who violently opposed the education of the indios on the ground that they would become too big for their breeches. They particularly reserved their scorn for those who went abroad in search of it (the indios bravos), deeming them to be potential polluters of the public mind when they came home.

Though a Catholic, Rizal was also a Mason, and subscribed to its philosophy of humanism and rationalism. Much as Martin Luther railed against the priests and bishops of his time, who distinguished themselves more for vice than for virtue, Rizal railed against the friars of his time, who distinguished themselves more for heathen cruelty than Christian charity.

Today there are the priests and bishops who are the fountainhead of wretched beliefs, which they spread in the name of religion. They are the ones who violently oppose any form of contraception on the ground that God wants people to overpopulate the planet. They particularly reserve their scorn for the President whom they regard as lesser than her mother for being a little less subservient to the Church, deeming him deserving of excommunication if he doesn’t mend his ways.


Ang malungkot lang, marami pa ring tao sa mundo na ang pagtingin sa mga pari at iba pang myembro ng simbahan ay santo, o mas malala: extension ng Dyos. Isang sabi lang ni Father sa kung anung dapat gawin mabilis pa sa alas-4 kung tumugon. Wala nang isip-isip. Masamang kwestyonin ang wisdom ng simbahan. ‘Infallible’ nga naman kasi.

Ganun talaga, kanya-kanya yan e. Ang problema lang naman ay yung isyu ng pilitan. Magmula pa noong panahon ng Inquisition hanggang ngayon, at suspetsa ko hanggang magunaw ang mundo, naka-program na talaga sa utak ng tao na ipilit ang gusto nya sa iba.

Pero buti na lang at kasabay din nun ang katigasan ng ulo para wag mapilit.

Advertisements

One thought on “Pahabol

  1. Nakakalungkot lang isipin na kabila ng lahat ng sinabi mo marami paring mga kababayan natin ang bulag sa katotohanan 😥

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s