The ‘susyal’ network

Lahat naman siguro tayo may Facebook account na.

Naalala ko nang una akong mag-sign up sa site, di pa sya ganun kasikat dito sa Pinas. In-uploadan ko lang ng isang profile picture tapos iniwan ko ng matagal. Sa loob-loob ko e wala naman sigurong pinagkaiba ito sa Friendster.

1437000604121

Malas ko lang at naadik ako sa isang larong muntik pang maging dahilan ng pagkasisante ko sa trabaho.

Kaya ayun, kung isa-summarize natin: huli ka balbon.

Lahat yata ng tao ngayon , kung walang Facebook, may Twitter. O pinagsasabay yun dalawa. Isama na natin ang Myspace, Multiply at ang pinakabagong Google Plus. At wag din nating kalimutan ang sandamakmak na mga blogs magmula sa Blogger, Livejournal, WordPress, at Tumblr.

Maliban na lang siguro sa mga ermitanyong magaling sa sari-saring martial arts na nagtatago sa kung saan mang kuweba at sa mangilan-ngilang myembro ng planeta na talagang labag sa prinsipyo ang maturingang nakikiuso, lahat ng tao may ‘Pesbuk’ na. Dahil ultimo takatak dyan sa kanto, pustahan, may account na rin. Tatay ko nga mas nauna pang matuto gumamit ng ‘LOL’ at ‘LMAO’ sa akin.

Lahat magkakakonekta. Lahat may gustong sabihin. Aminin na natin. Isang napakalayong pangalawa lang ang ‘connectivity’ at pag-usyoso sa buhay ng may buhay kung ikukumpara sa pangunahing dahilan kung bakit tayo balik ng balik sa mga sites na ito: Lahat tayo gustong sumikat/mapansin kahit pansamantala lang.

Narcissistic activity, sa madaling salita.

Hindi naman ako social scientist o eksperto sa psychiatry o ano pa man, pero sa nakikita at nararamdaman ko sa paggamit ng mga ganitong serbisyo, napapansin kong lahat ng tao (kasama ako syempre), kanya kanyang post at update sa kung anong kagila-gilalas na nangyayari sa buhay nila. Magmula sa walang kalatuy latuy na aktibidad katulad ng patanggal ng tinga, parinig, korning joke, article, video, at hanggang sa pagpo-post ng kung ano mang katibayan ng kanilang kayamanan at saya sa buhay, asahan mong sunud-sunod ang mga ganitong paraan ng pagpapahayag sa mundo para matingnan sila.

Oo nga naman, e sariling page nila yun e. Pakelam ko ba? Wala naman, kahit ako naman e guilty sa ganitong klase ng kabalbalan. Obserbasyon lang.

Kaya nga ako nag compose nitong entry para lang may mai-share sa page e.

Pa-‘like’ ha?

Advertisements

One thought on “The ‘susyal’ network

  1. meron akong ganitong blog post kaya lang nasa drafts pa rin. andaming nakakainis pero yun nga, di naman pwedeng sila lang ang icrucify mo kasi pati sarili mo damay sa crucifixion na yan e. and dapat gawin ay i-unfriend mo na lang, o di naman kaya wag na lang mag facebook. kaya lang, aminin na natin, hindi talaga kumpleto ang buhay pag walang facebook. o di naman kaya yung mga kumag na feeling mo inferior sa’yo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s