May binabagayan na mga bagay-bagay

May mga bagay talagang pag narinig o kaya ay nakita mo e mapapangiwi ka na lang.

“What the fuck, WTF”

– Ewan ko ba pero sadyang may mga bagay na sa mangilan-ngilang miyembro ng lipunan lang talaga bumabagay. Tulad ng murang ito.  Kalimitang sa pelikulang Hollywood naririnig na sinasabi ng mga characters na ‘cool’, kaya di nakakagulat na i-adapt din ng maraming tao sa pang araw-araw na buhay. Palaging nakikita sa Facebook, Twitter at naririnig sa mga lugar tulad ng Ortigas, Makati, Libis, Bonifacio Global City at Alabang. Brad, kahit sabihin pa nating matatas ka sa Inglisan at bihasa sa American/Western pop culture, ansakit pa rin sa tenga.  Hindi naman dahil sa pagmumura per se,  pero nagmumura ka na rin lang, wag mo na haluan ng pagpapacute. Kahit ala kang intensyong magtunog conyo, trying hard pa rin ang dating lalo na kung ang pagkakabigkas e ‘WATDIPAK’. Nothing beats PU***NAMO.

Nerd Glasses

– Kasalanan tong lahat ni Charice at ng GLEE. Lahat ng tao na nasa edad 13-29 kahit 20/20 ang vision nagsasalamin na rin ng Wyafarers o kahit anung generic na horn-rims kahit ang sagwa tingnan dahil di angkop sa korte ng mukha nila. Kung pwede lang magpalit tayo ng estado sa paningin para madispatsa ko tong paggamit ng salamin araw-araw, ora mismo payag akong makipagpalit para lang wag ka magmukang tangang magsalamin na walang lente o walang grado.

Tomooo!

– Ibigay kay Caeasar ang para kay Caesar. At ang sa bading, sa bading.

EMO Getup/Look

– Isa na namang Kanluraning kabalbalan na pilit na ginagaya ng karamihan sa kabataan ngayon na walang clue kung gaano kasagwa sa mga tulad nating nanggaling sa lahing Malay at Indones ang magsuot ng mga medyo weird na getup na kahit sa mga puti mismo, ay medyo mahirap nang dalhin at ibagay. Sa halip na magmukang musikero ang karamihan sa may lakas ng loob na magsuot nito, isa lang ang palaging pumapasok sa isip: Vice Ganda.

 

Dude

– Siguro kung kamuka mo si Ashton Kutcher o Michelangelo ng Ninja Turtles, pwede.

Photocopy

– Oo brand ang Xerox, o ‘Zeroks’—na malimit naririnig sa mga probinsyano at mga plebong tulad ko. Pero mas madaling sabihin yan, tol.  2  syllables less sa politically correct terminology na ini-insist mo. At naiinitindihan naman di ba? Kaya okay lang. Pepsodent na Colgate na o pa-Kodak. Politically correct nga, pero simpleng subject-verb agreement lang di mo pa maayos-ayos.

Dress shoes na puti na pinanghaharabas

– Pre,  at least tanggalan mo naman ng mga namuong putik. White dress shoes ≠ grunge.

Advertisements

One thought on “May binabagayan na mga bagay-bagay

  1. parang ampangit tignan ng isang 25+ year old na yuppie (daw) na pumunta pa ng concert ng emo bands. mas pangit tingnan yung naka-itim na tumatambay sa mga rock concerts pero di alam yung banda. hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s