E sa gustong mambasag e, di mag-blog ka rin…

Ano ang silbi ng pagti-tweet/status update na tulad ng mga ito:

“I wanna eat (insert food name/variety here) so bad.”

— Tulad nga ng sabi ni Lourd De Veyra ba’t di ka bumili nito at kumain na lang at manahimik? Okay sana kung mala-caviar yun pinapangarap mo at talaga nga namang hanggang status update na lang yan. Pero naman brad, pati craving mo ba sa choc-nut at ultimo by the numbers na pag-ngata nito, e kelangan mo pa bang i-broadcast sa lahat? O gusto mong may bumili pa para sa yo? Kapal mo naman kung ganun. Di porket sa internet ka umaasal ng garapalan e class na.

Attention-Seeker-550x412

“I’m here at (insert place) eating (insert food name) with (insert prominent/nobody person’s name).”

“I am so sad”

“I like the sunsets here in (insert foreign country).”

“I just farted”

“Kauutot ko lang”

Gaano ba ka interesante ang buhay mo na sa tingin mo ay kailangan mo pang mag-supply ng mga ganung klaseng impormasyon ora-orada para sa mga contacts mo?

Tulad nito: “I am at the CR of the former Crown Theater in Quiapo.”

Ano naman ngayon? Ako nga kakatae ko lang sa CR ng Uniwide pagkatapos magpigil ng diarrhea mula San Fernando hanggang Victory Monumento Station di mo naman nakikitang tini-tweet ko pa yun o ina-update di ba; at kung tutuusin e mas ka-update update pa yan dahil sa triumph of the human spirit over adverse conditions, ikanga. Naghahanap ka ba ng kasama? Diskusyon? Nagpapa-cute? All of the above? At totoo nga bang nasa CR ka ng yumaong Crown at hindi umeepal lang?

Eto pa isang variety na malupit: “Sipping coffee while watching the sun set here in (insert foreign territory).”

…at iba pang mga imaheng mala-pang Norman Rockwell na paintings o Michael Bay na pelilkula tuwing slow motion na ang footage at niro-romanticize na ang eksena; na halatang minamanipula na ang emosyon ng mga manonood.

Umii-style ka pa ng mga sunset-sunset at kape dyan e obvious namang nang-iinggit ka lang. Ano ba naman ang mahirap sa: “Nasa ibang bansa ako, mga unggoy! While sipping my Istarbaks moka caramel makyato! Mamatay kayo sa inggit, mga loh-sehr!”

Medyo may kakupalan nga naman talaga ang dating, pero at least hindi plastic.

Pero alam pa rin ng mga tao yung dahilan sa pagpo-post mo nun. Di ka naman siguro Interpol, Mossad, CIA, FSB, Sparrow Unit, CAFGU, M16 o media practitioner na required mag-time in at mag provide ng update maya’t-maya. Kaya i-enjoy mo na yang sunset at kape mong mag-isa. Nasa ibang bansa ka na nga computer/mobile device pa rin yang kaulayaw mo.

Pero account mo naman nga yan at demokrasya nga naman tayo.

Sige, carry on.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s