Trabaho

Munting paglilinaw:

01. Bago manghusga o kumampi, alamin muna ang lahat ng anggulo at dokumentayson sa mga salaysay ng lahat ng partidong kasali, bago gumawa ng isang matinong konklusyon o opinyon tungkol dito. Lalo na’t hindi naman direktang naaapektuhan o nakakasama sa pang araw-araw na operasyon. Sa madaling salita: wala kang alam.

02. Kung hindi maiwasan ang simpatiya at awa dahil sa salaysay ng IISANG kampo lamang, mangyaring manahimik at mag-moral support na lang sa isang tabi at huwag nang makisawsaw sa gulo. Huwag nang sumali sa estadistika ng mga taong dumagdag pa sa problema sa halip na makatulong na matapos ito. Walang natutuwa sa epal. At higit sa lahat, hayaan ang tao na haraping mag-isa at tapusin ang gulo na sya rin mismo ang nag-umpisa. Matanda na yan.

955554db685d78564843a71998ed8e5b

03. Kung kayang mang-abala sa karamihan nang mag-isa, kaya ring humarap sa karamihan nang mag-isa.

04. Katarantaduhan ang messianic complex.

05. Kung kaibigan at di maiwasan ang kumunsinti—este, kumampi—sa ginawa, pakibasa na lang uli ng #2 tungkol sa usaping sawsawan. Mahilig tayong mga Pinoy sa mga tinatawag na ‘underdog’ at inaaping bida. Manood ng mga banyagang pelikula tulad ng ‘Primal Fear’ paminsan-minsan nang tubuan naman ng kahit na kaunting paranoia at kritikal na pag-iisip pagdating sa mga mistulang napakabait at kaawa-awang mga miyembro ng lipunan na inaapi. O kaya naman ay magbasa ng sari-saring mga aklat at bawasan ang kaka-TV o Facebook para sa karagdagang kaalaman; nang di madaling ma-onse sa kung ano ang nakikita at naririnig lamang.

06. Magkaiba ang inaapi sa nagta-tantrum dahil hindi pinalusot ang mga kalokohan.

07. Magkaiba rin sa pang-aalipusta ang pagpuna sa kawalan ng ano mang uri ng hiya, lalo na nga’t itoy nakakaapekto na sa trabaho at nakakaabala na sa ibang tao.

08. Pairalin ang imahinasyon at kung maaari ay ilagay ang sarili sa salungat na posisyon. Baka mas marahas pa ang maging reaksyon kung malaman ang buong detalye, kung sakali mang ito’y makita. Pero huwag basta-basta paniwalaan agad ang lahat kahit ang ganitong uri ng deklarasyon, dahil siguradong may bias na itong kalakip. Kaya sumangguni sa #9, sa baba.

09. Kung may duda sa mga salaysay ng magkasalungat na mga partido, lumapit sa LAHAT ng mga nakatataas o mga awtoridad para sa mas kongkretong dokumentasyon [sms/email/written docs] at impormasyon ng mga pangyayari.

10. Ngayon mag-ingay, sumawsaw, at maging tagapagtanggol ng mga maralitang kinakawawa at inaapi ng mapagsamantalang rehimen.

Isang mapagpalaya at makabuluhang araw sa lahat.

Advertisements

One thought on “Trabaho

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s