Etiquette

Etiquette

Napansin kong pinalitan ng pinsan ko ang profile photo nya sa Facebook. Wala namang masama, e lahat naman ng tao sa platform na yun e ganun naman talaga ang gawain. Pero naintriga lang ako dahil yun litratong pinalit ay pag-endorso ng kandidato sa pagka-pangulo, na nauuso ngayong mga panahon ng eleksyon.

Nakita kong maraming comments kaya nag-usyoso ako at binasa isa-isa ang mga ito. Ang masasabi ko lang talaga pagdating sa usapang politika (at relihiyon), di na nakakagulat na maraming tao ang nagpapatayan dahil lang sa di pagkakaunawaan at kanya-kanyang pilit ng sariling pananaw sa ka-debate.

Pero bumilib naman ako sa pinsan ko at kahit na lantarang pambubuska na ang inabot nya sa mga nagkomento e di naman umabot sa mala-palengkerang bangayan ang nangyari. Sariling wall at post nya naman yun kaya nasa kanya ang karapatan kung anong gusto nyang gawin sa mga ito. Naniniwala talaga akong ang posts sa sariling account ay karapatan ng may ari. Kung may problema ka sa mga pino-post, merong newsfeed edit, o, kung talagang bad trip ka na, isang pitik lang ang unfriend button.

Pero yung pupunta ka sa lugar ng iba at mamandohan sila ng kung ano ang dapat nilang gawin o isipin, e medyo kakaiba na yan. Sa mga ganung pagkakataon pasensya ka na lang pag nabara ka at mainsulto ng di oras. Tulad nga ng sabi ng bampira sa nobela ni Stephen King na Salem’s Lot:

“You on your side of the board and I on mine, eh?”

Advertisements

4 thoughts on “Etiquette

  1. Sobrang talamak na sa mga pinoy ngayon na mang-judge, mang away at mag wagayway ng mga opinyon nila na hindi na nila napapansin if may sinusunod pa silang “etiquette”. Sobrang tamang tama ng post mo! Galing! 🙂

  2. Ewan ko ba sa mga Pinoy bakit masyado sila kung makapanghusga.Minsan humahantong nalang sa puntong ‘me masabi lang’.Sana igalang nalang natin ang gusto ng taong yun tutal kanya naman yung account.Kahit anong pwede nilang ilagay karapatan nila yun.Kaya ako pag may di ako nagugustuhan na nakikita sa News Feed ko,naka hide nalang.Para walang gulo. 😄

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s